Internet frequency ng tatlong telecommunications company, hiniling na bawiin na

by Radyo La Verdad | April 8, 2016 (Friday) | 9884

Atty-Rolex-Suplico
Naghain ng complaint sa National Telecommunications Commission ang dating kongresistang si Atty Rolex Suplico.

Hiling nita sa NTC na bawiin sa tatlong Telcos ang 700 megahertz frequency na umano’y hindi naman nito ginagamit.

Ito aniya ang dahilan kaya nagiging mabagal ang internet connection sa bansa.

Sinabi pa ni Suplico na kung maibabalik ang 700 mhz frequency sa NTC at ibigay ito sa ibang Telcos ay tiyak bibilis at lalawak ang internet conection na ating nagagamit.

Dagdag pa nito na ang nasabing frequency ay pag-aari ng gobyerno kaya maaari din itong bawiin sa mga Telco kung hindi ito ginagamit sa tama.

Tiniyak naman ng NTC na pag-aaralan nito ang complaint ni Sulpico kung may basehan na bawiin at ipamahagi sa ibang Telcos ang nasabing frequency.

Wala pa namang ibinibigay na pahayag ang tatlong Telecom na inirereklamo ni Sulpico.

(Grace Casin/UNTV NEWS)

Tags: , ,