International travelers, hindi na kailangan magpakita ng vaccination certificate pagpasok sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | August 15, 2023 (Tuesday) | 512

METRO MANILA – Hindi na kailangan magpakita ng vaccination certificates ang mga biyaherong papasok ng Pilipinas.

Ito ay base sa inilabas na memorandum circular ng Departmet of Health-Bureau of Quarantine.

Alinsudo ito sa pagli-lift ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa public health emergency bunsod ng COVID-19.

Batay sa kautusan, maaari nang tanggapin sa bansa ang lahat ng international travelers ano man ang kanilang vaccination status.