International media center ng APEC, hinahanda na

by Radyo La Verdad | November 13, 2015 (Friday) | 1331

APEC
Inihahanda na ang International Media Center na gagamitin para sa APEC Summit sa susunod na linggo.

Aabot sa dalawang daan na upuan dahil dito inaasahan na magtitpon tipon hindi lang ang local media kundi pa rin ang international media.

Maliban sa main press briefing room, mayroon pang limang initayong brefing rooms dito sa International Media Center.

Ang mga miyembro media, kanya kanyang nang hanap at setup ng kanilang booth sa IMC.

Para sa dalawampung bansang bisita natin, kada bansa ay binigyan ng media booth.

Para naman sa lokal media naman, binigyan ng isa kada media outfit.

Sa loob ng booth, kanya-kanya nang setup ng technical equipment para sa recording ng videos ng APEC.

Para naman sa coverage bukas, sinesetup na rin ang dalawang studios na maaaring rentahan.

Kung sakali mang mapagod ang mga miyembro ng media, mayroong coffee area ito na may unlimited na kape at iba pang drinks, mayroon pang siesta area kung saan maaaring umupo sa mga sofa habang kunwaring overlooking sa isang nature scenery.

Maliban dito, mayroon pang inilaan na lugar kung saan maaaring maenjoy ang 5 to 10 minutes ng massage.

At dahil maraming media ang inaasahang darating pa sa mga susunod na araw, mahigpit ang seguridad na ipinapatupad sa International Media Center.

Tanging ang mga APEC accredited lang ang maaaring makapasok at makalibot sa libo. (Joyce Balancio/UNTV News)

Tags: ,