International flights, dapat ilipat na sa labas ng Metro Manila – House Speaker Pantaleon Alvarez

by Radyo La Verdad | March 9, 2017 (Thursday) | 1286


Aminado ang Civil Aviation Authority of the Philippines at Manila International Airport Authority na patuloy na lumalaki ang volume ng international at domestic operations sa mga airport terminal ng Metro Manila.

Dahilan upang irekomenda nila ang pagtatayo ng mga bagong airport terminal.

Sa tala ng MIAA noong 2016, umabot sa mahigit 20.5 milyon ang domestic passengers at halos 19 million naman ang international passengers.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, kinakailangan nang magamit ang ilang kalapit na airport ng Metro Manila tulad ng Sangley airport sa Cavite at Clark airport sa Pampanga at ilabas na rin sa NCR ang terminals ng flights abroad.

Sa ngayon ayon sa CAAP, may anim hanggang pitong international carrier na ang nasa Clark airport at patuloy pa ang kanilang pakikipagusap sa ibang airlines company.

Pinagaaralan na rin ng Department of Transportation ang panukalang gawing international hub ang Sangley airport.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , ,