International community, kinondena ang pagatake sa Istanbul airport

by Radyo La Verdad | June 29, 2016 (Wednesday) | 3136
White House Spokesman Josh Earnest(REUTERS)
White House Spokesman Josh Earnest(REUTERS)

Nagpaabot na ng pagkondena ang international community kasunod ng madugong pagatake sa Istanbul, Turkey.

Ayon kay White House Spokesman Josh Earnest, isang heinous crime ang ginawa ng mga suspek.

Sinabi naman ni Australian Prime Minister Malcom Turnbull nais lamang ng mga terorista na lumikha ng dibisyon mula sa mga nagkakaisang bansa.

Para naman kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang pangyayari ay dapat magsilbing turning point sa kampanya ng mundo laban sa terorismo.

Sa ngayon balik na sa normal ang operasyon ng mga papalabas ng Istanbul airport ngunit ang mga papasok na international flight ay nanatiling suspendido.

Nagpalabas na travel alert ang Turkish government sa mga maglalakbay at turista lalo na sa mga pangunahing syudad ng Istanbul at Ankara.

(UNTV News)

Tags: ,