Internally Displaced Persons, dumadami dahil sa patuloy na bakbakan ng militar at armadong grupo sa Lanao del Sur

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 1405

DETOYATO
Humingi nang tulong ang Provincial Social Welfare Development Office ng Lanao Del Sur sa pambansang pamahalaan dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga apektadong residente sa bakbakan ng militar at armadong grupo sa probinsya.

Ayon sa opisyal, dahil sa kaguluhan, kulang limang libong pamilya na ang nasa mga evacuation center sa mga kalapit na munisipalidad samantalang ang iba ay nasa Marawi City.

Tatlong sundalo ang nasawi sa bakbakan at 11 ang nasugatan.

Sa kampo ng mga kalaban, tatlong katawan ang narecover habang base sa intelligence reports ay umaabot na sa 42 ang napaslang na mga terorista.

Narecover ng mga militar ang dalawang M-16 rifle, 2 rocket-propelled grenades at isang home-made caliber 50 rifle.

Hanggang ngayon, nagpapatuloy pa pa rin ang operasyon ng mga militar laban sa armadong grupong nangingikil sa lugar at pinaniniwalang nanganganlong ng mga banyagang Jihadists.

“Apparently itong mga armadong ito, they have been existing there and doing extortion and since we have no let-up in operations kasi nga ongoing na yung campaign period, we have to clear some areas of armed groups para magkaroon ng safe, secured and fair elecrions, nagkaroon ng resistance so they pushed on with the operations.” Ani ni AFP PAO Chief Col. Noel Detoyato.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,