Pinasok na ng Inter-agency Arson Task Force ang pabrika ng tsinelas na nasunog sa Valenzula City kahapon.
Sa isang panayam sa programang “Tinig ng Pilipino”, sinabi ni Senior Superintendent Sergio Soriano, fire director ng Bureau of Fire Protection-NCR, na ipinaubaya na nila sa naturang task force ang pag-alam sa lahat ng aspeto sa nangyaring sunog kabilang na ang pinagmulan ng apoy, at kung sino-sino ang kinakitaan ng liabilidad o pagkukulang sa insidente.
Batay sa inisyal na ulat na natanggap ni Soriano, nasa 11 karagdagang bangkay pa ang nare-retrieve ng mga otoridad at may pinaghahanap pa silang 36 na iba pa. Hindi pa matukoy ang kabuuang bilang dahil patuloy pa rin ang search and retrieval operations sa pabrika.
Pinaliwanag ni Soriano na naging mabagal ang ginagawang retrieval operations dahil sa mga bumagsak na malalaking bakal na kailangan pang iangat para makapagpatuloy sa paghahanap ng iba pang nawawala.
Mamayang alas-11:00 ng umaga ay magsasagawa ng press conference si Valenzula City Mayor Rex Gatchalian para magbigay ng update sa sunog.(UNTV Radio)
Tags: Inter-agency Arson Task Force, Rex Gatchalian, Valenzuela City