Planong ireklamo ng isang grupo ng infringement at plagiarism ang Intellectual Property Office of the Philippines o IPOPHL ng pagnanakaw di-umano ng disensyo ng logo.
Ayon sa grupong Taklobo Baybayin Incorporated, ninakaw ng IPOPHL ang kanilang disenyo na ipiniresinta nila noon sa ahensya.
Kinopya din umano ng IPOPHL ang pagsasalawaran sa logo.
Itinanggi naman ng IPOPHL ang alegasyon, anila ang Design Center of the Philippines ang nagdesenyo ng kanilang logo noong August 2013.
At kailanman ay hindi umano sila nakipag-usap o nakipagtransaksyon sa sinomang opisyal o myembro ng Taklobo Baybayin sa kanilang logo.
Tags: infringement, Intellectual Property Office of the Philippines, IPOPHL, plagiarism