Nasa 1.5 billion pesos lamang ang intelligence fund ng Department of National Defense. Kulang na kulang ito ayon sa mga senador para sa paglaban sa terrorism, insurgency, information gatherings at pagbili ng mga equipment.
Ayon naman kay Senator Antonio Trillanes, mas malaki pa ang idinagdag na 500 milyon pesos para sa project tokhang ng PNP kumpara sa 250M pesos lamang na dagdag na nakuha ng DND.
Kaya naman plano nila itong dagdagan mula sa intel fund ng PNP. Sinabi ni Lorenzana noong isang taon ay humingi sila ng increase na 530M subalit 250M lamang ang naibigay sa kanila.
Samantala, nilinaw din ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na wala silang namomonitor na banta ng destabilisasyon laban sa Duterte administration gaya ng binabanggit ni Sen. Antonio Trillanes mula sa isang pulitiko.
Base sa impormasyon na nakuha ni Sen. Trillanes, isang retired Geneneral na kakilala ang nagpapakalat ng balita na umano’y pag-rerecruit ng sundalo at kilalang pulitiko para magsagawa ng coup d’ etat laban sa kasalukuyang administrasyon.
(Macky Libradilla / UNTV Correspodent)