Inspeksyon sa mga opisina sa Camp Crame, ipinag-utos ng pamunuan ng PNP

by Radyo La Verdad | June 8, 2015 (Monday) | 1329

espina
Ipinag utos na ng pamunuan ng Philippine National Police ang inspeksyon sa lahat ng opisina sa loob ng Camp Crame.

Ayon kay PNP OIC P/DDG Leonardo Espina, ito’y upang matiyak na maayos ang mga linya ng kuryente at hindi na maulit ang sunog sa lumang opisina ng Internal Affairs Service ng PNP.

Samantala, nilinaw din ng tagapagsalita ng Internal Affairs Service na walang ano mang dokumento na nasunog kagabi dahil wala nang nag oopisina sa lumang gusali.

Wala rin itong epekto sa mga hawak nilang kaso laban sa mga pulis tulad ng Mamasapano Incident at ang Atimonan Massacre dahil safe ang mga dokumento.

Nasunog kagabi ang lumang opisina ng IAS na umabot sa ikatlong alarma, isa ang nasugatan.

Inaalam pa rin ng PNP kung saan nagmula ang apoy at beniberipika ang findings ng BFP na nasa 50 libong piso lamang ang halaga ng natupok.

Tags: ,