Insidente ng sunog sa National Capital Region, bumaba kumpara noong 2016 – BFP

by Radyo La Verdad | December 13, 2017 (Wednesday) | 2891

Sa tala ng Bureau of Fire Protection, nagkaroon ng pagbaba sa bilang ng mga insidente ng  sunog sa National Capital Region ngayong taon kumpara noong 2016.

As of January hanggang November ngayong taon, nasa 1760 kaso ng sunog ang naitala  kumpara noong 2016 na nasa 1821 ang kaso ng sunog nang kapareho ding panahon.

Ngunit tumaas naman ang bilang na nasawi dahil sa sunog sa taong 2017 na umabot sa 170, habang noong nakaraang taon ay nasa 67 ang mga nasugatan naman ay umabot sa 551 sa 2016 at 328 sa taong 2017.

Kaya naman ayon sa BFP, patuloy ang gagawin nilang mga information dissemination upang mas ma-inform ang mga tao.

Tags: , ,