Insidente ng panggagahasa na kinasasangkutan ng mga kabataan, susuriin sa Senado

by Radyo La Verdad | March 31, 2017 (Friday) | 4389


Pinag-aaralan na ng Senado ang lumabas na ulat ukol sa mga insidente ng rape na kinasasangkutan ng mga estudyante.

Tatlong magkakahiwalay na rape incident ang kinumpirma ng Department of Education sa Malabon, Sta. Maria, Bulacan at Ajuy, Iloilo.

Menor de edad ang mga biktima at mga salarin.

Ayon kay Sen.Francis Escudero, titingnan ng kanyang komite kung problema pa ba ito ng DepEd o isyu na ito ng seguridad.

Lumutang din ang tanong kung dapat nang ibaba sa siyam na taong gulang ang age of criminal liability.

Sa ilalim ng batas na ginawa pa ni dating pangulong ferdinand Marcos, hindi muna pinapatawan ng parusa ang isang menor de edad na napatunayang nagkasala.

Kapag nakitang ito ay nagbagong-buhay, tuluyan itong mapawawalang-sala at kalilimutan ang nagawang kasalanan.

Kung hindi naman, hahatulan ito at papatawan ng kaukulang parusa pagsapit ng dalawamput isang taong gulang.

Samantala, nakabinbin pa sa Lower House ang panukalang ibaba sa siyam na taong gulang ang age of criminal liability.

(Aiko Miguel)

Tags: ,