Insidente ng nagkahiwalay na bagon ng MRT, iniimbestigahan na ng NBI

by Radyo La Verdad | November 20, 2017 (Monday) | 2344

Ipag-papaubaya na ng Department of Transportation sa National Bureau of Investigation ang imbestigasyon sa nagkahiwalay na bagon ng Metro Rail Transit noong November 16.

Ayon kay Department of Transportation Undersecretary for Rails Cesar Chavez, titingnan ng mga ito ang posibleng pagsabotahe sa tren pati na ang misteryosong pagkawala umano ng messa card o tila black box na siyang nagre-record ng lahat ng mga galaw ng tren. Pangungunahan ang imbestigasyon ng NBI Special Action Unit ni Atty. Joel Tovera.

Ayon pa kay Usec. Chavez, ang NBI na ang siyang magbibigay ng update ukol sa kaso at hindi na maglalabas ng kahit anong statement sa isyu ang DOTr.

Muli namang tiniyak ng DOTr na ligtas para sa pasahero ang pagsakay sa MRT sa kabila ng nangyari.

 

Tags: , ,