Insidente ng kahirapan sa Pilipinas, bahagyang bumaba sa first quarter ng taong 2015

by Radyo La Verdad | March 18, 2016 (Friday) | 1891

JOMS_BUMABA
Kada tatlong taon ay nakakatanggap ang Philippine Statistics Authority o PSA ng datos ng estimates of poverty incidence gamit ang income data na sinurvey ng Family Income and Expenditure Survey o FIES.

Ayon sa datos na nakalap ng FIES, tinatayang nasa 26.3% ang poverty incidence ng mga Pilipino sa first quarter noong 2015, mas mababa kumpara sa 27.9% noong 2012

Ayon sa PSA, nakatulong ang mga programang pangkabuhayan o mga nadagdag na job opportunities sa nakalipas na tatlong taon kung kayat nabawasan ng bahagya ang poverty incidence sa Pilipinas.

Umaasa naman ang pamunuan ng PSA na mas paiigtingin pa ng susunod na administrasyon ang mga proyektong pangkabuhayan at madaragdagan ang sahod ng mga manggagawang Pilipino.

(Joms Malulan / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,