Inquest proceeding sa umano’y recruiter ni Mary jane, ipinagpatuloy

by Radyo La Verdad | May 6, 2015 (Wednesday) | 1297

IMAGE_NOV132014_UNTV-News_NBI

Muling itinuloy ng National Bureau of Investigation ang pag-inquest sa umano’y mga recruiter ni Mary Jane Veloso na sina Maria Cristina Sergio at live-in partner nitong si Julius Lacanilao.

Kahapon, dumating pa sa NBI ang anim pang umano’y biktima ng dalawa para maghain ng reklamong illegal recruitment.

Kinumpirma rin ni Justice Sec. Leila de Lima na dating drug mules ang dalawa bago pumasok sa illegal recruitment, batay sa impormasyong lumabas sa pulong ng DOJ, PDEA at PNP.

2011 pa nang mamonitor ng mga otoridad sina Sergio at Lacanilao bilang drug mules ng isang grupo pero inaalam pa kung aling sindikato nagtatrabaho ang dalawa bago napasok sa recruitment.

Iginiit naman nina Sergio na hindi sila illegal recruiter.

Hindi rin umano dapat pagdudahan ang madalas niyang paglabas ng bansa dahil miyembro siya ng isang realty company, at strategy niya ang pumunta sa mga lugar ng ofw para magbenta ng condo units.

Tags: , ,