Inmates sa BJMP facilities, sasailalim sa drug test

by Radyo La Verdad | August 29, 2016 (Monday) | 2203

LEA_DRUG-TEST
Magpapatupad ng drug test ang Bureau of Jail Management and Penelogy sa lahat ng mga inmate nito sa buong bansa bilang bahagi ng kanilang internal cleansing.

Makakatulong ng BJMP sa pagsusuri ng nasa 115,786 na bilanggo sa buong bansa ang local government units.

Ayon kay BJMP Chief Director Serafin Barretto, oras na may presong nagpositibo sa droga ay agad nilang aalisin sa pwesto ang mga warden na namamahala rito dahil sa kapabayaan.

Nagsimula na rin aniya silang magpatupad ng decongestion sa mga kulungan tulad sa Quezon City Jail na may kapasidad lamang sa 870 subalit umabot na sa 3,962 ang nakakulong doonngayon.

Pansamantala namang dadalhin ang mga bagong preso sa Quezon City Jail Annex sa Bicutan.

Nagpapatayo na rin aniya sila ng dalawampung bagong kulungan sa region 4ahabang nasa mahigit dalawang daan jail facility naman ang target nilang magawasa susunod na taon.

Pinag-aaralan na rin ngayon ng BJMP ang pagsasagawa ng tele-hearing o teleconferencing tulad ng ginagawa sa thailand upang hindi na maging problema ang pagbibiyahe ng mga inilipat na inmate patungo sa kanilang mga pagdinig.

Samantala, magsasanib pwersa naman ang mga tauhan ng PNP, Bureau of Fire Pprotection at BJMP ng eastern section ng Metro Manila, upang pag-ibayuhin ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.

Ito ay sa pamamagitan ng palagiang pakikipagugnayan o pagrereport sa pulis, hinggil sa anumang impormasyon ng iligal na drug trade sa mga bilanguan na binabantayan ng bjmp o sa iba’t-ibang establishimento na iniinspeksyon naman ng BFP.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: ,