METRO MANILA – Pumalo na sa mahigit P134-M halaga ng mga pananim, poultry, at livestock products ang napinsala ng bagyong Agaton kung saan umabot sa 4,435 magsasaka ang apektado batay sa datos ng Department of Agriculture (DA) Western Visayas as of April 14, 2022.
Ayon kay DA Regional Executive Director Remelyn Recoter, ang mga pananim na palay ang pinaka-apektado na aabot sa halagang P132-M ang pinsala habang ang mais ay nasa P2.5-M.
Dagdag pa ng opisyal, nasa 939 hektarya ng mga pananim na ang naapektuhan kung saan 113 hektarya rito ang nasira at wala na aniyang pag-asa na makabawi pa.
Sa Capiz, humigit-kumulang 3,000 hektarya ang naapektuhan habang nasa 507 hektarya ang kabuuang nasira at nasa 2,500 hektarya naman ang may pag-asa pang ma-recover.
Samantala, magbibigay ang Department of Agriculture ng seed replacement ngunit sa ngayon naubos na ang kanilang buffer stock para sa 2022 dahil nagamit na ito sa mga naapektuhan ng bagyong Odette.
(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)