Inaasahang ngayong araw ay ilalabas na ng Commission on Elections ang initial list of candidates para sa halalan sa susunod na taon.
Noong nakaraang linggo nakatakda sanang ilabas ng Comelec ang initial list ngunit iniurong ito sa December 23.
Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, kailangang maresolba muna ng komisyon ang mga isinumiteng motion for reconsideration ng mga kandidatong idineklarang nuisance candidate ng Comelec 1st and 2nd Division.
Sa ngayon nasa, dalawamput siyam na ang nakahaing M-R sa Comelec.
Ayon kay Bautista maisasapinal nila ang listahan ng mga kandidato bago ang pag iimprenta ng mga balota sa ikatlo o huling linggo ng Enero.
Sinabi rin ni Bautista na mailalagay pa rin ang pangalan ng isang kandidato sa balota kung wala pang pinal na desisyon ang mga petisyon laban sa kaniya.
(UNTV Radio)