Hiniling ni Senator Leila de Lima sa Korte Suprema na madaliin ang paglalabas ng desisyon kaugnay sa kanyang inihaing Writ of Habeas Data laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay upang matigil na ang umano’y harassment at psychological violence sa kanya.
Sa inilabas na pahayag ng senadora, sinabi nito na hindi ‘immune’ ang pangulo sa kasong habeas data dahil ang kaso ay may kaugnayan sa ‘slut-shaming at sexual harassment.’
Paliwanag pa nito, labas sa pagiging presidente ang umano’y ginagawa ng pangulo sa kanya kung kaya hindi ito nasasaklaw ng presidential immunity.
Tags: hiniling ni Sen. de Lima na aksyunan na ng SC, Inihaing Writ of Habeas Data vs Pangulong Duterte