Information center, itatayo sa Manila American Cemetery and Memorial

by Radyo La Verdad | May 28, 2018 (Monday) | 5937

Bilang paggunita sa Memorial Day, isang American Holiday, binigyang pugay kahapon ang mga sundalong napatay habang nasa serbisyo sa U.S. Armed Forces.

Ang seremonya ay isinagawa sa Manila American Cemetery kung saan nakalibing ang nasa labingpitong libong sundalong nakipaglaban noong World War 2 mula sa Estados Unidos, Pilipinas at iba pang kaalyadong bansa.

Ito ay dinaluhan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, ilang representatives ng US Embassy, Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pa.

Kasabay ng mahalagang araw na ito, inanunsyo ng embahada ng Amerika ang pagtatayo ng information center sa sementeryo.

Layon nitong ipaalam at ipaalala ang ipinamalas na kagitingan ng mga sundalong nakipaglaban para sa kapayapaan.

Sa pamamagitan ng itatayong istrukturang ito, umaasa ang Amerika na lalo pang maa-appreciate ng mga dadayo rito ang mga sakripisyo ng mga bayaning nakalibing sa naturang sementeryo.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,