Inatasan ni President Elect Rodrigo Duterte si incoming Presidential Adviser on the Peace Process na si Jesus Dureza na pumunta Sa Oslo, Norway sa kalagitnaan ng Hunyo upang makipagpulong sa communist leader na si Joma Sison kaugnay ng pagbuhay sa usapang pangkapayapaan.
Makakasama ni Dureza si Silvestre Bello the third na itinalaga ni Duterte bilang kalihim ng Department of Labor and Employment at ngayon ay binigyan ng dagdag na trabaho bilang government negotiator sa NDF.
Malaking bagay para kay Bello ang pagsisimula ng informal talks upang magkaroon ng linaw at direksyon ang usapang pangkapayapaan sa NDF.
Ayon kay Bello sa peace talks sa ilalim ng incoming administration posibleng magkaroon ng bagong framework agreement.
Dagdag pa ni Bello, tiyak na mapaguusapan na rin sa informal talks ang usapin ng pagpapalaya sa mga political prisoner.
Una na ring sinabi ni incoming President Duterte na handa niyang palayain ang mga political prisoner na mula sa NDFP sa pagsisimula ng peace talks.
Maging ang pagbibigay ng safe conduct pass kay Sison sa kaniyang paguwi sa Pilipinas ay tiniyak ng incoming president.
(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)