METRO MANILA – naasahang maglalaro mula 5.9% hanggang 6.7% ang inflation rate ng bansa para sa Agosto 2022 at papalo sa average na 5.4% para sa buong taon ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Miyerkules (August 31).
Pahayag ng ahensya, ang sanhi ng inflation sa buwan ng Agosto 2022 ay ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pagkain ngunit maaari itong mabawi kung ibababa ang pandaigdigang presyo ng langis, presyo ng karne at isda, bawasan ang mga singil sa kuryente at palakasin ang halaga ng piso sa foreign exchange o peso appreciation.
Matatandaang tumaas ng 6.4% ang domestic inflation rate nitong Hulyo, samantalang aabot sa 4.7% ang average inflation sa kasalukuyan.
Idiniin ng BSP na patuloy nilang susubaybayan ang pagtaas ng presyo sa mga bilihin at magsasagawa ng mga hakbang upang mahinto ang dagdag presyur sa mga presyo, magkaroon ng price stability at sustainable economic growth sa bansa.
(Andrei Canales| La Verdad Correspondent)
Tags: BSP