Inflation rate sa buwan ng Pebrero ngayong taon, posibleng bahagyang tumaas ayon sa Department of Finance

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 4112

department-of-finance
Inaasahang aabot sa 1.4 percent ang inflation rate o pagtaas ng consumer price sa bansa sa buwan ng Pebrero ngayong taon ayon sa Department of Finance.

Bahagyang mataas ang naturang projection sa 1.3 percent inflation noong Enero ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, bunsod ang inaasahang mas mataas na presyo ng mga bilihin sa Pebrero ng mainit na panahon dulot ng El Niño at ng pinsala ng mga nakaraang bagyo sa agrikultura ng bansa.

Sa kabila nito, sinabi ni Beltran na mananatiling “manageable” ang inflation ngayong 2016.

Tags: , , ,