Inflation rate ng bansa nanatiling stable, bagamat bahagyang tumaas – NEDA

by Radyo La Verdad | April 7, 2016 (Thursday) | 2007

INFLATION-RATE
Ipinahayag ng National Economic and Development Authority O NEDA na bahagyang tumaas ang inflation rate o halaga ng mga bilihin sa bansa nitong Marso.

Mula 0.9 percent tumaas ito sa 1.1 percent noong nakaraang buwan.

Ayon sa NEDA ang pagtaas ay dulot ng pagtaas sa presyo ng mga pagkain at langis.

Bahagyang tumaas rin ang presyo ng mga food items sa 1.6 percent mula 1.5 percent.

Ito’y dulot naman ng pagtaas sa presyo ng karne, isda, gatas, keso at itlog.

Tumaas din ang presyo ng domestic oil.

5 point 03 percent ang itinaas ng gasolina; zero point 58 percent naman ang LPG; 8.6 ang diesel at seven point zero six percent sa kerosene.

Paliwanag ng NEDA ang pagtaas ay dulot ng paghinto ng produksyon sa ilang oil producing countries.

(UNTV NEWS)

Tags: