METRO MANILA – Bumaba pa sa 0.8% ang inflation rate ng bansa o ang tumutukoy sa bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.Ito na ang pinakamababang naitalang inflation rate sa bansa sa nakalipas na 3 taon.
Base sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbaba ng inflation rate ay dahil rin sa patuloy na pagbaba ng presyo ng mga pagkain, non alcoholic drinks at maging ang transportation costs nito.
Ayon kay Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, habang bumababa ang antas ng paggalaw ng presyo ng mga bilihin sa bansa, mananatili ang pamahalaan sa pagmomonitor ng presyo ng mga pangunahing bilihin lalo na ngayong “Ber months”.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: inflation rate, October