METRO MANILA – Posibleng bumilis pa ang inflation o ang antas ng pagmahal ng mga bilihin ngayong buwan kumpara noong Enero batay sa projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa pagtaya ng BSP, papalo sa 8.5% hanggang 9.3% ang inflation rate ngayong Pebrero at posibleng mahigitan pa ang naitalang 8.7% nitong nakaraang buwan.
Ayon pa sa Bangko Sentral, ang mataas na inflation rate ngayong Pebrero ay inaasahang epekto ng pagtaas sa presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG), at ng mahal na presyo ng karneng baboy, isda, itlog at asukal.