Inflation hike, magpapabagal sa Economic Growth ng PH sa 2023

by Radyo La Verdad | October 19, 2022 (Wednesday) | 13290

METRO MANILA – Nananatiling alalahanin ng administrasyong Marcos ang patuloy na inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Kung saan hindi lamang ang Pilipinas ang nakakaranas nito, kundi ang ibang mga bansa.

Epekto kasi ito ng Russia-Ukraine conflict, monetary policy ng Estados Unidos at pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa  pandaigdigang merkado.

Ayon kay NEDA Director-General at Socio Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, maaaring makapagpabagal ito ng takbo ng ekonomiya ng bansa sa taong 2023.

Sa twitter post ni Pangulong Marcos Junior, tinalakay aniya sa pulong ang policy direction ng pamahalaan sa buong taon hanggang sa first quarter ng 2023.

At prayoridad pa rin aniya ang inflation habang itutuloy ng pamahalaan ang paggamit ng interest rates upang maibsan ang epekto nito.

Bagamat mahina ang piso kontra dolyar, ayon sa pangulo maganda pa rin ang lagay ng bansa pagdating sa inflation kumpara sa ibang mga bansa.

Ayon kay Secretary Balisacan, may nakahanda namang hakbang ang pamahalaan upang matulungan ang mga apektadong sektor sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Tags: ,