METRO MANILA – Muling hinikayat ni Infectious Diseases Expert Dr. Rontgene Solante ang publiko na magpa-booster na kontra COVID-19.
Ito ay matapos nakapasok na sa bansa ang mas nakakahawang COVID-19 Omicron BQ.1 subvariant.
Ayon kay Dr. Salvaña malaki ang posibilidad na muling magkaroon ng case surge ng COVID-19 sa Pilipinas.
Gayunpaman, hindi naman aniya inaasahang malala ang magiging epekto nito sa isang indibidwal na tatamaan.
Samantala, 1,083 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kahapon (November 28).
Dahil dito 4,035,658 na ang total COVID-19 cases sa bansa. 18,507 naman ang aktibong kaso.
Tags: Booster Shot, BQ.1 Subvariant, Covid-19