Nahuli ng Barangay Police Auxillary Team o BPAT sa isang clearing operation sa Brgy. Luksa Datu Marawi City ang isang Indonesian National na sinasabing kabilang sa grupong Maute na kumubkob sa lungsod.
Ayon kay Provincial Director PSSupt. John Guyguyon, inamin ng dalawamput tatlong taong gulang na suspek na sangkot siya sa iba’t-ibang terroristic act sa Indonesia at kasama rin sa pagpaplano sa Marawi siege.
Narecover ng mga otoridad kay Mohammad Elham Syaputra ang isang granada at 45 caliber at Philippine at Riyal money. Hindi naman nito sinabi kung gaano pa kadami ang kaniyang mga kasamahan sa loob ng main battle area ngunit sa pagtaya ng PNP nasa dalawampung Maute stragglers ang naiwan rito.
Sa kabila nito, tiniyak ng PNP na hindi kailangang magdagdag ng pwersa ng mga sundalo sa Marawi City.
( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )