Indonesian na asawa ng Maute terrorist leader na si Omar Maute, naaresto sa Iligan City

by Radyo La Verdad | November 6, 2017 (Monday) | 5391

Naaresto ng Philippine National Police sa isang operasyon kahapon sa Iligan City ang Indonesian National na asawa ng napatay na Maute terrorist leader na si Omar Maute.

Ayon sa Joint Task Force Ranao, ni-raid nila ang bahay ni Minhati Midrais sa Brgy. Tubod kasunod nang utos na pag-aresto sa isang alias “Baby” na kalaunay natukoy na si Midrais.

Kasama nito ang anim na menor de edad nitong mga anak na ngayon ay pansamantalang nananatili sa kustodiya ng mga pulis.

Natagpuan sa bahay nito ang ilang gamit sa paggawa ng improvised explosive device gaya ng blasting caps, detonating cords at fuse.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga pulis kung ano ang kaugnayan ni Midrais sa pag-atake sa Marawi City.

 

 

Tags: , ,

Ilang Residente sa Marawi City, may takot pa rin sa banta ng terorismo, 1 taon matapos ideklarang liberated na ang lugar

by Radyo La Verdad | October 18, 2018 (Thursday) | 49705

Isang taon na ang lumipas mula ng ideklarang malaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Marawi City matapos mapatay ang ISIS leader na si Isnilon Hapilon noong ika-17 ng Oktubre 2017.

Ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin maalis sa ilang mga residente ang pangamba na maulit ang kanilang sinapit sa kamay ng mga terorista, bagaman ngayon ay tahimik na ang kanilang lugar.

Sa ngayon ang hiling ng ilang mga residente, makaalis na sila sa evacuation center at makabalik na sa kanilang tahanan.

Ayon sa Taskforce Bangon Marawi, sisimulan na ngayong buwan ang debri clearing sa most affected area.

Inaasahang bago matapos ang buwan ng Oktubre maisasakatuparan na ang ground breaking ceremony ng rehabilitasyon na pangungunahan ni Pangulong Duterte, matapos ang ilang beses na pagkakaantala.

Hindi naman nalilimutang magpasalamat ng lokal na pamahalaan ang pagtulong sa kanila, subalit aminado ito na naiinip na rin sila sa mabagal ng pag-usad ng rehabilitayson.

Sa ngayon, karamihan sa mga residente ng Marawi ay unti-unti ng bumabalik sa normal ang kanilang buhay.

Maging ang kani-kanilang mga negosyo partikilar sa Brgy. Basak Malutlut kung saan unang sumiklab ang giyera noong Mayo 2017.

 

( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,

Groundbreaking para sa rehabilitasyon ng ground zero sa Marawi City, isasagawa sa ika-17 ng Oktubre

by Radyo La Verdad | October 12, 2018 (Friday) | 41646

Isasagawa na sa ika-17 ng Oktubre ang groundbreaking para sa rehabilitasyon ng ground zero sa Marawi City.

Itinaon ito sa unang anibersaryo ng liberation ng Marawi City mula sa pagkubkob ng mga terorista Maute-ISIS.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi Chairperson Secretary Eduardo Del Rosario, nakuha ng Finmat International Resources, Incorporated ang contract para sa first component ng rehabilitation na Debris Management sa anim na ektarya at may pondong nagkakahalaga ng 75 milyong piso.

Tags: , ,

2 election hotspot at 24 na barangay na nasa ilalim ng watchlist sa Marawi City, mahigpit na minomonitor ng PNP

by Radyo La Verdad | September 21, 2018 (Friday) | 33579

Bukas na ang isasagawang baranggay at Sangguniang Kabataan special elections sa Marawi City.

Kaugnay nito, dalawang barangay ang itinuturing na election hotspots dahil sa mga naitalang karahasan dito noong nakaraang eleksyon. Ito ay ang Barangay Cabingan at Barangay Gadungan.

Samantala, dalawampu’t apat na barangay naman ang nasa election watchlist ng PNP na may intense political rivalry kaya mahigpit nila itong binabantayan.

Sa ngayon, nakadeploy na sa lungsod ang nasa isang libong tauhan ng PNP at AFP para sa pagpapanatili ng seguridad.

Naka-red alert status din ang PNP at AFP sa lugar kasabay ang pagpapaigting ng mga checkpoints kaugnay naman ng nangyaring pagpapasabog sa isulan Sultan Kudarat at sa GenSan kamakailan.

Target ng Marawi City Police na makamit ang peaceful election.

Tags: , ,

More News