Indonesia at Malaysia, nais magkaroon ng joint sea patrol kasama ang Pilipinas sa international sea route dahil sa sunod-sunod na kidnapping incident

by Radyo La Verdad | April 18, 2016 (Monday) | 2319

afp
Bagaman wala pang binibigay na kumpirmasyon ang Armed Forces of the Philippines, panibagong insidente ng kidnapping ang napaulat noong Biyernes malapit sa Sabah border kung saan apat na Indonesian ang dinakip umano ng mga armadong kalalakihan.

Kasunod nito ay nagpahayag ng kagustuhan kapwa ang Indonesian at Malaysian government na magkaroon ng joint sea patrol at aerial surveillance sa area ng international sea routes sa pagitan ng Sabah at Tawi-Tawi islands.

Noong March 26, sampung Indonesian crew ang kinidnap ng Abu Sayyaf Group at noong April 2 naman ay apat na Malaysians.

Noong Biyernes, dalawang Indonesian ships na galing Cebu ang na-hijacked ng isang armadong grupo malapit sa Sabah border.

Ayon naman sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines na si Brigadier General Restituto Padilla Jr., hinihintay pa nito ang magiging desisyon ng Department of National Defense hinggil sa usapin ng joint maritime patrol.

Hanggang ngayon naman ay nagpapatuloy ang pursuit operations ng militar laban sa Abu Sayyaf sa Basilan at higit 30 miyembro na ng teroristang grupo ang napapaslang ng militar.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,