India, nagpahayag ng interes na maging 3rd telco player sa bansa – Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | February 22, 2018 (Thursday) | 6364

Sa susunod na buwan na ang itinakdang deadline ni Pangulong Duterte upang wakasan ang duoply o ang pamamayagpag ng dalawang higanteng kumpanya ng telekomunikasyon sa bansa.

Ayon sa Pangulo, siya mismo ang nag-imbita sa mga negosyante sa India na mamuhunan sa Pilipinas bilang third telecommunication industry nang magtungo ito sa India noong nakaraang buwan para sa Association of Southeast Asian Nations-India Commemorative Summit.

Ayon naman kay Department of Communications and Information Technology (DICT) Officer in Charge Undersecretary Eliseo Rio, wala pang pormal na offer na ibinibigay ang India hinggil dito.

Gayunman, mas maigi kung mas maraming kumpanya ang magpahayag ng interes na maging 3rd telco player sa bansa.

Nauna nang nagpalabas ng initial draft ang DICT ng joint memorandum circular sa selection process ng bagong telco player. Binubuo ang selection team mula sa Department of Finance (DOF), DICT, National Telecommunications Commission (NTC) at National Security Council (NSC).

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,