Independent foreign policy ng administrasyon, magpapatuloy – Pres. Duterte

by Radyo La Verdad | July 24, 2018 (Tuesday) | 11856

Patuloy na maninindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang polisiya sa ugnayang panlabas, ito ay sa kabila ng mga krisitisismo sa foreign policy ng administrasyon.

Ayon sa mga kritiko, dahil sa polisiya na ito ng administrasyon na pakikipagkaibigan sa China, tila isinasantabi na umano ang claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon sa Pangulo, ang kasalukuyang polisiya na ito ng administrasyon ay nagkaroon na ng mga magandang bunga. Kabilang na rito ang lalong pagpapalakas sa relasyon sa mga kalapit na bansa partikular sa ASEAN Region.

Nagkaroon na aniya ng trilateral border patrol ang bansa sa Malaysia at Indonesia na tumutulong sa paglaban sa human trafficking at terorismo.

Ang pakikipagkaibigan din sa China ay nagbunga rin umano ng paghuli sa mga malalaking drug syndicate na nag-ooperate sa bansa.

Ang pagbubukas rin aniya ng komunikasyon sa China ay nagbunga ng positibong resulta, tulad ng access ng mga mangigisda sa disputed waters.

Ang dayalogo aniya sa pagitan ng ASEAN at China ay nagdulot ng draft framework  for the code of conduct sa South China Sea na reresolba sa mapayapang paraan ang isyu sa West Philippine Sea.

Tiniyak ng pangulo na ang magandang relasyon ng Pilipinas sa China ay hindi nangangahulugang isusuko ng bansa ang interes nito sa West Philippine Sea.

Tinutukoy ng Pangulo dito ang posisyon niya tungkol sa arbitration ruling. Tila hindi naman kuntento ang ilan sa mga senador sa pahayag na ito ng Pangulo.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,