Incoming Pres. Rodrigo Duterte, iginiit na walang magiging korapsyon sa ilalim ng kanyang administrasyon

by Radyo La Verdad | June 27, 2016 (Monday) | 1989

DUTERTE
Tiniyak ni incoming President Rodrigo Duterte na walang magiging korapsyon sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Sa kanyang pagdalo sa huli niyang flag raising ceremony bilang alkalde ng Davao City kaninang umaga, sinabi ni Duterte na hindi niya kukunsintihin o papayagan pang manatili sa posisyon ang sinumang pampublikong opisyal na masasangkot sa katiwalian.

Binigyang-diin din ni Duterte na tututukan ng kanyang administrasyon ang kapakanan ng mga mahihirap at mahihinang sektor sa lipunan.

Muli rin niyang isinulong ang panukalang buhayin ang pagpapataw ng death penalty sa mga gumagawa ng karumaldumal na krimen.

Ayon kay Duterte, hindi lubusang naipatupad sa bansa ang parusang kamatayan bago ito inabolish kaya marami ang nagsasabing hindi ito epektibo sa pagsugpo sa krimen.

Dumalo sa flag raising ceremony si Duterte upang magpaalam sa mga empleyado ng city hall at humingi na rin ng pasensiya sa mga Dabawenyo na hindi na makalapit sa kanya ngayon dahil sa mahigpit na seguridad na ipinatutupad ng Presidential Security Group.

Tags: , ,