Sa pag-upo ni incoming PNP Chief PCSupt Ronald dela Rosa sa pwesto, agad nyang ilulunsad ang oplan double barrel laban sa ipinagbabawal na droga.
Ayon kay Gen. Dela Rosa, ang upper barrel ay nakatutok sa mga high value targets habang ang lower barrel naman ay para sa mga street o barangay level.
Sa ganitong paraan, hindi lamang sa malalaking target nakatutok ang mga operatiba at hindi mapapabayaan ang nasa barangay level.
Samantala, kinumpirma naman ni Gen. Dela Rosa na mapapalitan lahat ng mga opisyal na nakaupo ngayon sa mga matataas na pwesto sa PNP.
Paliwanag ng incoming PNP Chief, ilalagay nya sa key positions ang alam niyang mahusay magtrabaho upang magawa ang 3 to 6 months target na pagsugpo sa illegal na droga at kriminalidad sa bansa.
Gayunpaman tiniyak ni Gen. Dela Rosa na hindi naman mawawalan ng magagandang posisyon ang mga senior officers na maayos magtrabaho.
Kabilang dito sina PDir. Benjamin Magalong na gagawin Deputy Chief for Operations, PDDG Francisco Uyami bilang Deputy Chief for Administration at ang naging katunggali sa posisyon na si Region 4B Director PCSupt. Ramon Apolinario bilang Chief Directorial Staff.
(Lea Ylagan/UNTV Radio)
Tags: oplan double barrel, PNP Chief PCSupt. Ronald dela Rosa
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com