Batid ni incoming Philippine National Police Chief PCSupt. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na matinding adjustment ang kakailanganin niya oras na magsimula na siya sa trabaho.
Aniya, isang malaking hamon sa kanya ang pamumunuan ang 160 libong pwersa ng PNP.
Bunsod nito, lumapit sya sa mga dating opisyal ng PNP upang humingi ng payo.
Una niyang nilapitan si dating PNP chief at ngayon Senador Panfilo Lacson na ang payo sa kanya ay huwag magpapasilaw sa pera.
Binigyan din siya ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ng technical advises kung paano pangangasiwaan ang security measures laban sa New People’s Army at Moro National Liberation Front.
Isa rin sa pinakamagandang payo na natanggap nya ay mula kay PNP Chief PDG Ricardo Marquez.
Tiniyak ni Gen. Dela Rosa sa publiko na wala siyang ano mang kinasasangkutang sindikato o iregularidad.
Siniguro pa ni Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na hindi sya kakainin ng sistema ng korupsyon at sa halip ay siya ang babasag dito dahil isang beses lamang syang magiging chief PNP kaya’t gagawin niya nang maayos at tama ang kanyang trabaho.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: dating PNP officials, Incoming PNP Chief PCSupt. Ronald Dela Rosa