Incoming Department of Agriculture Secretary Manny Piñol, nakipagpulong sa mga grupo ng magsasaka sa Zamboanga City

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 1424

DANTE_NAKIPAGPULONG
Nag-iikot na sa iba’t-ibang lugar sa bansa si incoming Department of Agriculture Secretary Manny Piñol.

Ngayong araw nakipagpulong ito sa grupo ng mga magsasaka at mangingisda sa Zamboanga city.

Inalam nito ang iba’t-ibang problema ng sektor kabilang ang irigasyon sa mga sakahan lalo na ang naapektuhan ng el nino phenomenon.

Pati ang lawak ng mga lupaing sakahan sa ibat-ibang lugar at kung ilan ang irrigated at rain-fed areas.

Ayon kay Piñol, utos ni President-elect Rodrigo Duterte na alamin ang sitwasyon sa sektor ng agrikultura sa bansa at tiyakin na sapat ang supply ng bigas at mabibili ito sa murang halaga.

Dapat ring mabigyan ng solusyon ang problema ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pag-review sa lahat ng proyekto ng kagawaran.

Maaari din aniya na maibalik ang status ng Mindanao bilang food basket ng bansa kung magiging maayos lamang ang pagpapatakbo sa sektor ng agrikultura at maalis ang anomang korapsyon.

(Dante Amento / UNTV Correspondent)

Tags: , ,