Inclusive growth dapat ding tutukan ng Duterte administration – Cong. Belmonte

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 8865

BELMONTE
Hinimok ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang Duterte Administration na hindi lamang ang pagsugpo sa kriminalidad at ang illegal na droga ang pagtuunan ng pansin.

Sinabi ni Belmonte na dapat ding isaalang–alang ni Incoming President Rodrigo Duterte ang lalo pang pagpapa-unlad sa ekonomiya ng bansa na madarama ng ordinaryong mamayan.

Ayon kay Belmonte kung isusulong ng Duterte government ang pag-amyenda sa konstitusyon upang gawing pederalismo na ang sistema ng gobierno, pagkakataon na rin ito upang tingnan din ang ibang aspeto sa saligang batas na kailangang na ring rebisahin.

Halimbawa ang pagsilip sa economic provisions ng 1987 constitution.

Nais din ni Belmonte na pag-aralang muli ang revised penal code.

Dapat din aniya tiyakin ng Duterte Administration na maipapasa sa oras ang budget ng gobierno kagaya ng ginawa ng 15th at 16th Congress.

(Victor Cosare/UNTV NEWS)

Tags: ,