Inciting to sedition ang isa sa limang reklamong ihahain ng grupo ng mga abogado laban kay Senator Antonio Trillanes IV sa Department of Justice. Dahil ito sa umano’y pagtatawag nito ng isang senario ng rebelyon laban sa Pangulo sa isa sa kaniyang mga talumpati sa senado.
Nagsinungaling din umano si Trillanes nang sabihin na may mga hawak siyang dokumento na magpapatunay na may mga tagong kayamanan ang Pangulo.
Base sa records na nakuha ng mga abogado sa AMLC, hindi naman binigyan ng AMLC ng kopya ng bank account ng Pangulo si Trillanes.
Maliban sa inciting to sedition, ihahain din ng grupo ang mga reklamong paglabag sa AMLAC law, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, proposal to commit coup d’ etat at echics case. Plano ng grupo na isampa ang reklamo sa DOJ bukas o sa isang linggo.
Sa inilabas na pahayag ni Sen Trillanes IV, sinabi nito na bukas siya sa hakbang na ito ng mga abogado upang mapatunayan niya ring totoong may tagong yaman ang Pangulo, kung saan hinihiling niya umano sa korte na i-subpeona ang mga bank documents nito.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )