Inasal ni NCRPO Chief Eleazar sa kotong cop, suportado ni Pang. Duterte

by Radyo La Verdad | March 7, 2019 (Thursday) | 2321

METRO MANILA, PHILIPPINES – Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawa ni NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar sa isang tauhan ng pulisya na umano’y sangkot sa pangingikil.

Ginawa ng Punong Ehekutibo ang pahayag nang pangunahan ang  unang anibersaryo Presidential Anti-Corruption Commission o PACC sa Malacañang kagabi.

Ayon kay Pangulong Duterte, okay para sa kaniya ang ginawa ni Eleazar sa naturang tiwalang pulis.

Samantala, batay sa tala ng PNP, nasa 441 ng pulis officer ang natanggal sa serbisyo mula 2016.

Tatlong daan at tatlumpu’t dalawa dito ay nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga habang isang daan at labing siyam ay sangkot sa drug-related cases gaya ng pangingikil at nagkakanlong ng mga drug suspects.

Tags: , ,