Inagurasyon ng bagong tayong Multi-Faucet Hygiene Facility sa Quezon City, pinangunahan ni PNP Chief Eleazar

by Erika Endraca | October 12, 2021 (Tuesday) | 673

METRO MANILA – Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang inagurasyon sa bagong Tayong Multi-Faucet Hygiene Facility kahapon (October 11) sa General Delos Reyes Street, Camp BGen Rafael T. Crame, Quezon City.

Ang Multi-Faucet Hygiene Facility ay bahagi ng ‘Sabi ni Nay Maghugas ng kamay, Lingap Kapulisan Program’ ng PNP na pinasimulang proyekto ng Officers Ladies Club (PNP-OLC) sa pakikipagtulungan ng Manila Water Foundation, Incorporated (MWFI) at Soroptimist International Kaagapay.

Pagkatapos ng 3 buwan na panahon 17 hygiene facilities ang matagumpay na pinasinayaan sa 17 Police Regional Offices sa buong bansa. Pangunahing layunin ng proyekto ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 at iba pang hawaan sa oras na pag tatrabaho sa kanilang mga lugar.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)