Inagurasyon kay Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas, inihahanda na rin

by Radyo La Verdad | May 17, 2016 (Tuesday) | 1337

MAYOR-DUTERTE
Tiniyak ni Laviña na inaayos na nila ang grupo na mangangasiwa sa inagurasyon kay Duterte bilang bagong pangulo ng Pilipinas sa susunod na buwan.

Una nang sinabi ni Duterte na mas nais niyang sa Malacañang na lamang gawin ang inagurasyon sa halip na sa Quirino Grandstand na bahagi na ng tradisyon.

Iimbatahin niya rin bilang mga panauhin ang mga mahihirap at mga nakatira sa kalsada.

Samantala, matapos harapin ni Duterte ang grupo ng media kahapon ay nakipag-usap naman ang incoming president sa mga kinatawan ng embahada ng Japan at China.

Nakipag pulong rin si Duterte sa ilang organisasyon na tumulong sa kanyang kandidatura bukod pa sa ilang political figures.

Sinaksihan niya rin ang paglagda ng koalisyon ng partidong PDP Laban at Nacionalista Party.

Ang clubhouse sa Matina na pinagdausan ng kanyang first public appearance matapos magpahinga kasunod ng halalan ay ang magsisilbing temporary office ni Duterte hanggang sa sumapit ang opisyal na pagpapalit ng termino.

(Janice Ingente / UNTV Correspondent)

Tags: , ,