Nananatiling nakasara ang Scout Borromeo footbridge sa kahabaan ng EDSA sa South Traingle, Quezon City na nakatakda sanang magbukas ngayong araw.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kailangang siguraduhing makapapasa sa quality check ang pagkakagawa sa footbridge para sa kaligtasan ng mga tao bago ito maging fully operational.
Layon ng sampung milyong pisong proyektong ito na maiiwas sa aksidente ang mga residenteng tumatawid sa EDSA sa pagitan ng Scout Borromeo at NIA Road.
Naging kontrobersyal ang pagpapatayo ng naturang footbridge dahil sa nakakalulang taas nito.
Patuloy ang konstruksyon ng Scout Borromeo footbridge at inaasahan ng MMDA na matatapos at magbubukas ito bago matapos ang taon.
Tags: EDSA, Quezon City, Scout Borromeo footbridge