Inaabangang anunsyo ni Senator Grace Poe, hindi ikinababahala ng Liberal party

by Radyo La Verdad | September 16, 2015 (Wednesday) | 3966

DRILON
Mamaya na nga magaganap ang importanteng anunsyo ni Senator Grace Poe sa UP Diliman bahay ng Alumni kaugnay sa kaniyang magiging desisyon sa darating na halalan sa 2016.

Ngunit para kay Senate President Franklin Drilon, Vice Chairman ng Liberal party, hindi sila nababahala sa magaganap na anunsyo ni Poe dahil noon pa man ay sinasabi na niya sa partido na tigilan na ang panliligaw kay Poe dahil nakikita ni Drilon na buo na ang desisyon ng senadora sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Dagdag pa ni Drilon, si Secretary Mar ay patuloy nang nakikipag-usap sa mga prospective vice presidentiables gaya nila Representative Leni Robredo, Governor Vilma Santos Recto at Senator Alan Peter Cayetano.

Paglilinaw ni Drilon na hindi consensus ng Liberal Party ang pagpili ng running mate ni Secretary Mar, kundi hahayaan nila si Roxas na pumili ng kaniyang magiging ka-tandem dahil mahalaga na kasundo niya ang kaniyang ka-tandem.

Matapos ang kaniyang pagpili ay saka na lamang ito iraratipika ng partido.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,