Improvised Light Chamber Disinfectant para sa ligtas na modules, naimbento sa Zamboanga Sibugay

by Radyo La Verdad | November 10, 2020 (Tuesday) | 6922

ZAMBOANGA | Isang Improvised Light Chamber Disinfectant (ILCD) ang naimbento ng ilang guro para maging ligtas sa virus ang mga modules bago ipamahagi sa mga magulang at magaaral ng Kabasalan National High School Zamboanga, Sibugay.

Dadaan din sa nasabing makina ang mga modules bago naman ibalik sa mga guro, sa loob lamang ng pitong minuto gamit ang mercury light chamber nito, sa akmang temperatura ay kaya nang patayin ang Covid-19 virus, ayon sa World Health Organization.

Bukod dito maging ang mga nabasang modules ay dagli ding matutuyo dahil sa init nito upang magamit muli ng mga mag-aaral.

Ang malikhaing obra na ito ay inimbento nina teacher Alden Aure, Rodelo Eulogio, Almond Montegrejo, Julius de Asis at Engr. Dennis Antiguan.

(MJ Fiel | UNTV News)

Tags: , ,