Improved features ng bagong Vote Counting Machine o VCM sinubukan sa isang demo sa Baguio City

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 3649

VCM
Isinailalim na sa pagsubok ang bagong Vote Counting Machine o VCM na gagamitin ng Comelec sa national election sa Mayo sa Baguio City.

Ayon kay Atty Ederlino Tablas, Comelec Regional Director sa CAR, ang a ay mas malaki ang memory capacity at may secure digital o ad card na sa halip na compact flash o c-f card na ginamit noon sa pcos machine.

May dalawang memory card din ang VCM bilang backup.

Malapad rin ang lcd ng VCM upang madaling mabasa ng mga botante ang mga instruction bukod pa ang nakakabit ditong head set para sa mga visually impaired voter.

Tanging ang mga botanteng may biometrics lamang ang mapo-prosesong balota ng VCM.

Nagsagawa na rin ang Comelec ng training at actual demonstrations para sa mga guro na \ magsisilbing Board of Election Inspectors o BEI sa May 2016 elections.

(Grace Doctolero/UNTV NEWS)

Tags: ,