Imports ng bansa, bumaba sa buwan ng Enero

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 1495

products

Bumaba ng 14% ang merchandise imports ng bansa dahil sa pagbaba ng presyo sa mineral fuels, capital goods at consumer goods sa buwan ng enero.

Sa datos na inilabas ng philippine Statistics Authority,nakapagtala ng 5.1 billion US dollars ang merchandise imports na mas mababa kung ikukumpara sa 6 billion US dollars na naitala sa parehas na buwan ng nakaraang taon.

 

Sa ngayon, nananatiling ang China ang isa mga pangunahing importer ng bansa na nakapagtala ng 15.4%, na sinusundan naman ng singapore na may 9.1% at ng us na may 9% na bahagi sa kabuoang merchandise imports ng bansa nitong Enero.