Importer ng alahas, inireklamo ng smuggling ng Bureau of Customs

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 2052

BOC LINA
Inireklamo ng smuggling ng Bureau of Customs ang dalawang importer.

Ang isa sa mga ito ay nagpuslit ng mga alahas, nakinilalang si Rosemarie Clemente.

Ayon sa Customs, hindi idineklara ni Climente, may-ari ng isang jewelry store sa Tandang Sora, Quezon City ang dala niyang mga alahas galing Hongkong kayat kinumpiska ito pagdating niya sa NAIA nitong nakaraang Setyembre.

Gawa sa ginto at brilyante ang dala dala niyang mga kwintas, pendant, bracelet, hikaw at mga singsing na tinatayang nagkakahalaga ng 15-million pesos at kasalukuyang sumasailalim sa forfeiture proceedings.

Gamit na mga goma ng sasakyan naman ang tinangka umanong ipuslit ng respawnable enterprises na matatagpuan nmana sa Binondo, Manila kayat inireklamo rin ng smuggling ang general manager nito na si Jubannie Berces.

Lulan ng dalawang container van ang mga gamit na goma na tinatayang nagkakahalaga ng tatlong milyong piso na dumating sa Manila International Port noong Agosto at Setyembre.

1982 pa sinimulang ipagbawal ang pag aangkat ng mga gamit na goma upang maproteksyonan ang lokal na industriya nito.

Ayon kay Customs Commissioner Alberto Lina, peligroso ang paggamit ng mga recap na gulong ng sasakyan na posibleng paggagamitan ng nakumpiskang kargamento ng mga gamit na goma.

“Baka nabenta after a while tapos biglaang sumabog kawawa. Yun ang isang issue din kaya pinagbawalan na yung used tire. Pero marami pa rin tayong mga kababayan na pasaway eh sa Cagayan de Oro nagbukas din kami din nakita namin din used tire.” Ani ni Commissioner Alberto Lina.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,