Nakarating na kay House Speaker Pantaleon Alvarez ang hinaing ng mga kababaihang kongresista na tutol sa planong pagpapalabas ng mga umano’y private videos ni Sen.Leila de Lima at dating driver nito.
Gayunman, sinabi ng house leadership na ang House Committee on Justice na ang magpapasya sa usaping ito.
Sa text message naman ni House Committee on Justice Chairperson Reynaldo Umali, premature pa upang pagusapan ang pagpapalabas ng private video dahil hindi pa naman ito hinihiling ng Department of Justice.
Samantala, naniniwala si Speaker Alvarez halos kumpleto na ang factual findings ng komite sa naturang pagdinig.
Sapat na aniya ito upang magrekomenda at makagawa ng panukalang batas upang masolusyunan ang problema sa iligal na droga sa New Bilibid Prisons.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: Impormasyong nakuha sa House NBP drug probe, Rep. Alvarez, sapat upang makagawa ng batas