Impormal na pagpupulong ng mga opisyal ng Duterte administration at NDF consultants, posibleng isagawa sa Maynila

by Radyo La Verdad | November 19, 2018 (Monday) | 3713

Posibleng isagawa sa Maynila sa susunod na linggo ang pagpupulong sa pagitan ng ilang opisyal ng administrasyong Duterte consultants ng National Democratic Front (NDF).

Batay sa pahayag ni Presidential Peace Adviser Jess Dureza, siya at si Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makausap sina NDF Consultants Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni sa isang informal chat.

Kahapon, araw ng linggo, tumulak patungong New York si Dureza para sa United Nations General Assembly at babalik sa bansa sa susunod na linggo.

Si Pangulong Duterte ang unang naghayag na nais siyang makausap ng mga naturang NDF leaders.

Sina Agcaoili at Jalandoni ay bibisita sa bansa ngayong buwan kaugnay ng kanilang mga obligasyon bilang myembro ng joint monitoring committee sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Law.

Makikipagpulong din sila kay Norwegian Ambassador to the Philippines Bjorn Jahnsen.

 

 

 

Tags: , ,